Lakas din makabadtrip ng umaga yung mga kaganapan
kanina.
Bilang Miyerkules ngayon at alas-otso ng umaga ang pasok
ko – dun pa lang may malaking pagbabadya na. Madalas kasabay ko si Mama papasok
bilang isang kanto lang ang pagitan ng pinapasukan namin, at parehas kaming
alas-otso PAG Miyerkules. E eto na nga, yung gising ko sakto lang sana sa oras na maligo
(wag nang kumain) at magbihis. Kaso pag gising ko, nag-aayos pa si Mama at ayaw
niyang mauna ko dahil matagal daw ako. at bilang matagal nga ako at hinintay ko
diyan siya na medyo nagtagal, sumuntok na nga ako sa buwan at pinaniwala ang
sariling aabot ako ng 20 minuto sa mahika ng taxi. Madalas aabot naman yan kung
pagdating ko sa kanto ay nakasakay ako kaagad at wala masyadong traffic. E eto nga, nakasakay ako agad pero pinilit ni
Manong na dumaan sa ibang daan dahil daw traffic sa Monumento. Eto nga,
dire-diretso na kami sa daan na gusto niya habang sinasabi ko na “Never pa po
akong dumaan dun kasi malayo e.” Syempre pinilit niya ang point niya – na mas
mabilis doon, na ganun din kasi maiipit kami sa traffic. “20 minutes, 20
minutes,” sinabi ko na lang ng paulit-ulit sa sarili ko. Yun pala tinatahak na
pala namin yung daan pa-Monumento na sana kanina pa namin ginawa hindi yung
ngayon e alanganin na yung daan at dodoble na pareho yung oras na makakain at
pati na rin yung badtrip ko. “E kuya mas lalo tayong matatraffic dito, kung
galing samin mas malapit yung Monumento, pag
dito mas malayo talaga…”
Eto na nga, umikot kami ulit pabalik
sa daan na gusto niya. Gusto ko na talaga umiyak nito e. Hala sige, puro stop
light. Sabi niya pa kanina “Sa Monumento puro pa bus don.” Sa
bagay, wala ngang bus sa C3 (ang gusto niyang daan), puro naman truckkk, at
least hindi bus. Inip na inip na ko
sa byahe dahil 15 minuto na at wala pa rin kami sa gusto niyang lusutan namin. Pagdating
ng 20 minuto, nakarating kami sa 5th avenue. Wowwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwww.
Ansaya! O at least hindi kami natraffic sa Monumento Circleeeee. Imagine 1
station away yung 5th avenue sa Monumento at after 20 minutes nun
lang kami dumating samantalang wala pang 10 minuto yung byahe ko nun galling samin.
Alam ko talagang hindi na ko aabot at badtrip na ko nun dahil sa palagay ko,
mahigit 20 na ang late ko mula August – at hindi to magandang pambungad sa
unang taon ko dito sa eskwelahang may karapatang magpatalsik ng hindi
karapat-dapat manatili bilang napakaraming lumalaban para lang mabigyan ng
pagkakataon na makapagturo dito. Pero eto ako, nagtatapon ng grasya.
Mabalik ako sa taxi driver. Eto nga. Umabot ng 40
minuto na kaya naman sanang maging 20 minuto. P140 lang ang patak ng metro sa
normal na pagkakataon, pero kanina, P201 inabot. Madami na talaga kong badtrip
kanina pero salamat sa sarili ko at mahinahon naman ako, hindi naman ako
nang-aaway o naninigaw, o nagsusungit. Sa isip ko kasi, pwedeng mali lang siya
ng tantya at nakakainis lang yung mas marunong pa siya sa araw-araw na yun ang
ruta. At naisip ko din, hindi naman din magandang magsungit sa
mga taong nagsisilbi sayo. Ayun. So bago ko bumaba ng taxi, sabi ko na lang “Kuya,
alam niyo po eto po yung pinakamatagal kong byahe… At eto rin po yung
pinakamahal, usually P150 lang po ang binabayad ko e.” (malambing ang
pagkakasabi niyan)
“A ganon po ba? Naku pasensya na, iniwasan ko
talaga yung Monumento dahil kanina sobrang traffic talaga. Pasensya ka na.”
O e siyempre, ang humble naman pala
ni Kuya. Sino ba naman ako para magmatigas pa at importante, ligtas akong
nakarating. Kesa naman mabilis nga, bumilis din ang buhay ko. Okay,
nawala na yung badtrip ko. Pero grabe, YUNG LATE KO
r